bosz
Moderator
Proud Pinoy
   
Reputation Power: 26
Offline
Posts: 212
Referrals: 1
|
 |
« on: December 11, 2009 - 03:40:55 PM » |
|
I love you too, Baby ko
Nagsimula na akong magsisi kung bakit nagsuot pa ako ng pulang Off-Shoulder na Blouse at Mini Skirt sa loob ng Sinehan dahil nilalamig na ako. Pero pinAnindigan ko pa rin dahil sa tingin ko, mapapaimpress ko ang boyfriend ko sa ganitong damit. Gusto niya yung minsang nagpapakita ako ng kauntind kutis yun eh kung siya ang kasama ko. Gusto ko kasi yung pinupuri niya ako - hindi siya nabibigo na iparamdam sa akin na ako yung pinakamagandang babae sa buong mundo. Hindi pa nagsisimula yung palabas at talaga namang binabalot na kami ng lamig. Nakakita kami ng magandang upuan. Hawak niya ang kamay ko. Yung pakiramdam na siya ang kasama ko sa madilim na lugar na yun ay nagpapakilig sa akin.
Bumulong siya sa akin. 'Bango ng Baby ko... i love you!'
Sumilay ang panibagong ngiti sa labi ko.
'Wala bang i love you too?' biro niya
Kaya sumagot ako,
'i love you too...!'
Pagkatapos ng isang halik sa pisngi, tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang tiningnan ang cellphone at binAsa ang Text. Nakita ko siyang mabilis ding nagreply sa text na yun na para bang may humahabol sa kanya.
'Baby, bili muna ako ng food, gusto mo? Kailngan ko rin kasing magload, may kailngan akong replyan. Limang Piso na lang ata ito' bulong niya
'Pwede bang hawakan mo muna itong cellphone ko, baka mawala ko lang eh. You know how careless i am' sabi niya
Tumango ako at hinawakan ko ang cellphone niya. Mahinang kinurot niya din ako sa pisngi at siNabing i love you ulit kahit mahiNa at saka umalis.
Hindi pa rin nagsisimula ang palabas. Pinikit ko ang mga mata ko at saka napahikab. Muntik na akong makatulog nang biglang nag-vibrate ang cellphone niya.
Nagbi-blink ang pangalang 'Marian'..
'Sinong Marian?' sabi ko sa sarili ko.
Muntik ko ng sagutin ang tawag nang tumigil ito sa pagtawag at nagdisplayed ang '1 missed call' Nagbi-blink na rin ang Message Icon na ibig sabihin ay 'Marc's Inbox was Full'
Kailngan kong magbura ng mga dating messages para makapasok ang mga bagong text. kaya ginawa ko naman. Dumating ang limang text messages. at lahat ay galing kay 'Marian'.
Walang pag-aalinlangan. Binuksan ko isa-isa.
~Ha?! AnOnG wG MnA AQ TXt? Nid NaTin Mag-USap NaUn Na! NsAn KB kC?
~Cn i TxT U NaH?
~TxT m AQ if CoAst iZ CleAR
~R u StiL wId HeR?
Pakiramdam ko yung puso ko ay gustong magsomersault sa ere dahil sa matinding confusion. Anong ang ibig sabihin ng text na yun? Sino yung HER na yun na kasama daw ni Marc? Pinagpawisan ako ng malamig sa noo at sa ilong. Huminga ako ng malalim.
Nagpanggap akong si Marc at nagreply sa mga text messages.
`O, bkit ka ba text ng text? may problema ba? musta?
~Hi MaC!! AnOnG BaLiTa SeU? BkEt NaUn K Lng NagRePlY? kniNa P Q NagpPRaMdaM! KaSaMa M P B Si mHai?
Pakiram ko para akong siNaksak sa dibdib nung nakita ko ang pangan ko sa text ni Marian.. pero patuloy ako sa pagreply.
`oo bumili lang ako ng food. iniwan ko si mhai sa loob ng sinehan. bakit ba kasi?
~d M P kC iWaN aNg BaBaEnG YaN Eh! HaHaHa.. Love, 2Loy B TaU BuKaS?
`ah?! ewan ko, ikaw ang bahala. san ba tayo bukas?
~di Ba Sav Mo PuPunTa TaU Ng LaGuna?
`ako nagsabi nun? ah oo nga pala. i promised you that. eh ano bang plano mo, hon?
~aNo? IkaW Nga aNg NagPLanO Eh! BaKeT PaRaNg biNaBaLik M SkiN aNg TaNoNg? NkaLiMuTaN M N B? 4MonThS N TaU bUkas! DPaT AzTig AnG OuT-Of-ToWn NaTin! SwimMinG TaU cGuRo AfTer DinNer... ALam m N CgUrO AnG Ibig QnG SvHin Love!?
i lay motionless. Nagsimula na ang pelikula. Naramdaman ko na parang umiikot ang ulo ko sa hilo. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha na nasa loob ng mata ko. But i blinked them away at muling nagreply ng mabilis. Alam ko na maaring bumalik na si Marc sa sinehan.
`oo sige na. basta sabihin mo yun ang gagawin natin. ang bilis ng panahon noh 4 months na tayo. parang kailan lang... o cge pano ba ang plano bukas? sabihin mo sakin ang nasa isip mo, honey.
~Hmm.. bAzTa bRinG YoUr CaR Na LaNg. TaWaGaN Mo AQ Sa BaHaY ToNyT Ha So We Can tAlk. LoVe YoU LoTz! MwaH Mwah :-)
Sinubukan kong magreply ng 'i love you too' pero Check Op na yung cp. The whole world must've stopped before my very eyes. Wala akong ibang maramdaman kung yung mga luhang tumutulo sa aking pisngi at yung lamig na pumapatay sa akin ng unti-unti. Tumingin ako sa big screen pero yung kamalayan ko ay wala doon sa piNapanood. Wala akong mahanap na salita para ilarawan yung nararamdaman ko naun.
Imahe ng ibang babae at yung Baby ko ang nakiKita ko na inlove na inlove sa isa't-isa.
All this time, naKikihati pala ako sa ibang tao kay Marc. All this time, meron ibang babae na inaakbayan ang mga braso ni Marc.
Lumabas na ang lahat ng luha sa aking mata. Alam ko na nakatingin na ang ibang tao sa akin pero hindi na akong nag-iisip. Emptiness devoured me that instant.
Mula sa malayo ay napansin ko ang isang pamilyar na mukha, paakyat sa hagdanan, palapit sa akin. I cleared my throat, nilinis ko ang mukha ko ng panyo at huminga ng malalim. Nakalapit na si Marc at naupo.
'i love you baby..' Hinalikan ako ni Marc sa ilong. 'Sensya na ha. Tagal ko noh! Dami kasi nakapila dun eh. Sorry po'
Ibinaba nya ang plastic bag na may lamang pagkain at hinAwakan ang kamay ko. HinAlikan niya ako sa labi at sinAbing...
'i love you, mhai! i love you baby ko...'
Wala akong lakas na sagutin siya.
'Oo nga pala... simula bukas, my fieldwork kami. Baka next week na ang balik ko. Hindi ko pa sure kung saan yung site, so baka walang signal dun. But i'll try texting whenever i can, ok? i love you, Baby ko!'
Gusto ko siyang sigawan. humiyaw hanggang sa piNakamalakas na hiyaw na magagawa ko. Pero walang tunog ang lumalabas. Hindi ko magawang pagsalitain ang sarili ko. Napipi ako. Namanhid ang buo kong katawan.
'O, wala man lang bang i love you too diyan? Dapat laging merong i love you too!' at saka siya tumawa.
Naramdaman ko na nag-vibrate ulit yung cellphone ni Marc. May dumating ulit na mensahe. Nakita ni Marc na nagbi-blik ito at mabilis na biNasa ang text. Nakita ko pa rin ang siNabi ni Marian sa Text.
~SiYaNgaPla, KeLaN K P NatUtOng MaGtExt In sMaLL LeTtErs :-) SaKa BkiT HoNeY Na AnG TaWaG M SKiN? HiNdi N Ba LOVE? iBa Na Ba? :-)
Nagkaroon ng matinding katahimikan sa aming dalawa. Sa tingin ko ay tumigil ang mundo sa pag-ikot.
Sarado ang aking bibig at ang mga luha ay malayang bumabagsak sa aking pisngi - hindi ko na sila nakontrol pa.
Tumingin ng diretso sa akin si Marc. Ang mga mata niya ay bilog at tila mejo lumaki, mga matang punong-puno ng tanong at takot.
Tumingin din ako sa kanyang mga mata, na hindi alam kung ano ang sasabihin. Naramdaman ko ang buong mundo na lumulubog at nawawala, iniwan kaming dalawa sa gitna ng dilim.
Pagkatapos ng ilang segundo na parang sa pakiramdam ay pang-habang-buhay na, hinugot ko ang natitirang lakas sa aking katawan at sinAbi sa kanya...
'i love you too, baby ko...'
|